Ano Ang Ending?
Sa pagpili ng mga babasahin o nobela sa mga bookstores ay may ugali ako na pag-aralan muna ang mga pwedeng maging ending nila. May kung ano sa ending na laging inaabangan ko. Ayaw ko ng mga stereotype. Yung tipong sa umpisa pa lang ng pagbabasa mo ay tila alam mo na kung saan ito magwawakas. Parang pinaikot ka lang. May mga kwento sa mundo na kakaiba. Yung akala mong ordinaryong kwento ay hindi pala. May twist. Liligawin ka at bibiglain. Ganun laging impact ang hinahanap ko.
Si Tatang At Mga Himala Ng Ating Panahon
Excerpt from “Ang Paggawa ng Himala”
“We were shooting iyong funeral scene,” pagkukuwento ni Joel Lamangan,casting at crowd director, at gumanap din bilang pari. “Take one lang dahil gagabihin na. Gumuhit si [Ishmael Bernal] sa lupa, Guy, sabi niya, guguhit ako dito, naka-crane shot ako, maglalakad kayo, pagdating mo dito sa guhit, paglapit sa’yo ni Gigi (DueƱas, gumanap na Nimia), luluha ka sa kaliwang mata.
“Takot na takot ako. Sabi ko, Nora, ’day, kelangang magawa mo. Gagawin ko po, sabi niya.
“Umpisa na. Action! Tamang-tamang pagdating nga ni Nora sa guhit at paglapit ni Gigi, pumatak ang mga luha niya sa kaliwang mata. Napapalakpak ako sa husay. Naging Noranian ako after that!”
Katotohanan lagi ang gusto ni Ishmael Bernal. Ito ang lagi niyang sinasabi sa akin, bilang scriptwriter ng pelikula. “Ricky, gawin nating minimalist ang pelikula. Tanggalin mo ang mga taba at burloloy.”
Ito lang ang natatandaan kong nagkaroon ako ng argumento sa kanya dahil sabi ko’y baka maging masyadong deretsahan ang lines. Pero iyon ang gusto niya, sabi niya, deretsuhin mo na ang pilosopiya...
Pero sa kalahatan ay natutuwa ako sa mga discussion namin ni Ishma dahil sinulat ko ang Himala sa isang panahong kinukuwestiyon ko ang Diyos, ang pamahalaan, at maging ang ilang mga paniniwalang nakagisnan ko. Ang mga inhustisya at paghihirap na dinaanan ng mga mamamayan ng Cupang ay dinaanan ko rin sa sarili kong buhay, at masasabi kong ako man, noong mga panahong iyon, ay naghihintay din ng himala.
Learn more amusing secrets and untold stories behind the making of Himala in this new article written by Ricky Lee, included in the special edition of Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon, the ground-breaking anthology first published in 1988 that put together Lee's journalistic essays, film script and short fiction.

Sina Claire Danes at Alice Marano
isinulat ni enzo
Last week, habang naghahanap ng mapapanood sa tv ay swerteng natyempuhan ko ang pelikulang Brokedown Palace sa isang cable channel.
Hindi ko makakalimutan ang pelikulang ito.
Naging controversial noon ang pelikulang Brokedown Palace ni Jonathan Kaplan dahil sa mga naging komento noon ng isa sa mga lead stars ng pelikula na si Claire Danes. Sa isang interview sa Vogue ay tinukoy niya na ang Manila daw (kung saan kinuha ang ilang eksena ng pelikula) ay isang "ghastly and weird city" at mas maaanghang na komento pa ang pinakawalan niya sa Premiere Magazine ng sabihin niya na ang capital city ng Pinas ay "smelled of cockroaches, with rats all over and that there is no sewage system and the people do not have anything — no arms, no legs, no eyes."
Hindi ito pinalagpas ni Kim Atienza, councilor ng Manila at ng noo'y Presidente pa ng Pinas na si Joseph Estrada. Ika nga ni Kim: She painted a surreal picture of Manila. Hindi nagtagal ay dineklara bilang "persona non grata" ng Manila si Claire Danes at hindi pinahintulutang maipalabas dito ang mga pelikula niya - kabilang na ang Brokedown Palance.
Pinanood ko noon ang Brokedown Palace. Higit sa kontrobersiya ay naengganyo ako na panoorin ito dahil na rin sa maganda nitong trailer. Maganda ang Pelikula. Kung mahilig ka sa mga pelikula na tumutukoy sa kultura at buhay sa ibang teritoryo, may matututunan ka sa pelikulang ito.
Kwento ito ng magkaibigang sina Alice Marano (Claire Danes) at Darlene Davis (Kate Beckinsale). Mula sa kanilang High School graduation ay nagpasya silang magbakasyon sa Hawaii. Pero sa pamimilit ni Alice, ang dalawa ay lumihis at nagpunta sa Thailand. Dito ay nakilala nila ang isang australyano na si Nick Parks (Daniel Lapaine) na nag-imbita sa kanila na mamasyal at magpunta sa Hongkong. Sa Airport ng Bangkok, hinuli ang dalawa sa pagkakaroon ng heroin sa gamit nila. Sa ilalim ng Thai justice system sila ay hinatulan ng 33 taon na pagkabilanggo. Sa kulungan, kasabay sa paghahanap ng katarungan, ay haharapin nila ang iba't ibang pagsubok, pagkatuklas at muling pagkabuo ng kanilang pagka-kaibigan.
May pareho at salungat na kapalaran ang actress na si Claire Danes at ang character nito sa pelikula na si Alice:
Sa Brokedown Palace, matapos ang tila walang katapusang kawalan ng pag-asa at pagkalagay sa alanganin ng kanilang pagka-kaibigan ay napagpasyahan ni Alice na humarap sa King of Thailand. Si Alice ay lumuhod at nagmakaawa na pahintulutan siyang punuuin ang kaniyang sentensya at sentensya ng kaibigang si Darlene kapalit ng kalayaan ng kaibigan.
Tila di naman ito nalalayo sa paghingi ng pag-unawa ni Claire Danes para sa kanyang mga naging negatibong komento. Aniya: she meant no disrespect to Filipino people.
Pero si Claire Danes ay tila di madaling napagbigyan o napatawad ng pamunuan ng Maynila. Matapos na maglabas ng kaniyang paliwang ay sinagot naman agad ito ng noo'y Manila counsilor na si Kim Atienza.

"Because of the subject matter of our film Brokedown Palace, the cast was exposed to the darker and more impoverished places of Manila. My comments in Premiere magazine only reflect those locations, not my attitude towards the Filipino people. They were nothing but warm, friendly, and supportive,"Tinanggap ng Hari ng Thailand ang offer. Pinalaya si Darlene at muling nabuo ang pagka-kaibigan ng dalawa.
Pero si Claire Danes ay tila di madaling napagbigyan o napatawad ng pamunuan ng Maynila. Matapos na maglabas ng kaniyang paliwang ay sinagot naman agad ito ng noo'y Manila counsilor na si Kim Atienza.
"We are not hard to appease, but we know if an apology is true or not," he added. "We will lift the ban only if we are satisfied."Ngayong 2009, kumusta na kaya ang kaso ni Claire Danes? Naipapalabas na ba ang mga pelikula niya sa Maynila? Napatawad na ba siya ng siyudad ng Maynila?