Excerpt from “Ang Paggawa ng Himala”
“We were shooting iyong funeral scene,” pagkukuwento ni Joel Lamangan,casting at crowd director, at gumanap din bilang pari. “Take one lang dahil gagabihin na. Gumuhit si [Ishmael Bernal] sa lupa, Guy, sabi niya, guguhit ako dito, naka-crane shot ako, maglalakad kayo, pagdating mo dito sa guhit, paglapit sa’yo ni Gigi (Dueñas, gumanap na Nimia), luluha ka sa kaliwang mata.
“Takot na takot ako. Sabi ko, Nora, ’day, kelangang magawa mo. Gagawin ko po, sabi niya.
“Umpisa na. Action! Tamang-tamang pagdating nga ni Nora sa guhit at paglapit ni Gigi, pumatak ang mga luha niya sa kaliwang mata. Napapalakpak ako sa husay. Naging Noranian ako after that!”
Katotohanan lagi ang gusto ni Ishmael Bernal. Ito ang lagi niyang sinasabi sa akin, bilang scriptwriter ng pelikula. “Ricky, gawin nating minimalist ang pelikula. Tanggalin mo ang mga taba at burloloy.”
Ito lang ang natatandaan kong nagkaroon ako ng argumento sa kanya dahil sabi ko’y baka maging masyadong deretsahan ang lines. Pero iyon ang gusto niya, sabi niya, deretsuhin mo na ang pilosopiya...
Pero sa kalahatan ay natutuwa ako sa mga discussion namin ni Ishma dahil sinulat ko ang Himala sa isang panahong kinukuwestiyon ko ang Diyos, ang pamahalaan, at maging ang ilang mga paniniwalang nakagisnan ko. Ang mga inhustisya at paghihirap na dinaanan ng mga mamamayan ng Cupang ay dinaanan ko rin sa sarili kong buhay, at masasabi kong ako man, noong mga panahong iyon, ay naghihintay din ng himala.
Learn more amusing secrets and untold stories behind the making of Himala in this new article written by Ricky Lee, included in the special edition of Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon, the ground-breaking anthology first published in 1988 that put together Lee's journalistic essays, film script and short fiction.
0 comments:
Post a Comment