![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgqXzhQipn5T5vkwhFHK1KKfIpX3F6UHMNg7b1-HWH50iYBjsRPDounHDz49pca3XzI87qJiH_ogYibAh7ane-orp1vbIQv04rEFQIEZs_0m3xbED5bMlTnO5X0e0gtfVfhkN7_amASGQM/s400/calvin.jpg)
Hindi naman kasi ako writer. Mahilig nga siguro ako magsulat pero yung tiyaga na umupo at humawak ng papel at ballpen ay tiyempuhan lang talaga. Minsan kapag may toyo sa ulo ay hindi na natatapos pa ang kung anong naumpisahan ko na. Kaya yung mga scratch at mga draft ayun at nadoon sa baul.
Kasi naman ang sarap matulog kaysa magsulat..
Pero ewan ko ba naman kasi. Kapag may napapanood ako o nababasa na mga isyu sa tv, dyaryo, maging sa lipunan man yan o diyan lang sa kapitbahay at alam ko na may kailangan akong sabihin o ikomento ay tatakbo na ito sa utak ko. Sa paggising, sa school, sa trabaho hanggang sa pagtulog ang daming idea na pumapasok sa akin. Ang dami palang pwedeng sabihin. Ang dami palang pwedeng ikomento. Tama ka man o mali, masarap pa rin ang mag-kritiko. Hindi mo man sinasadya o intensyon, pero parang nang-aaway ka na rin.
Wala naman akong dyaryo o libro. Lahat ng isinusulat ko ayun at nandoon lang sa baul. Wala namang nagbabasa pero may kung anong fulfillment kang nararamdaman kapag nakakatapos ka kahit na paisa-isa lang na sulat at artikulo.
Kaya't ngayong uso na ang blog, wala ng silbi ang baul. Para na akong may sariling dyaryo at libro. May mga magtyatyaga na ring magbasa ng mga ito.
Kaya tuloy po kayo sa aking blog.
At ako'y matutulog muna..
0 comments:
Post a Comment